BLOG NO. 3 SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Pangalan: SAGUCIO, MAE ANN L. BSCRIM 2E "SANAYAN LANG ANG PAGPATAY". Fr. Albert Alejo, SJ GABAY SA PAGSUSURI 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? Ang personang nagsasalita sa tula ay si Fr. Alberto Alejo, SJ. Ipinapahiwatig sa tulang ito na may mga taong nakakagawa ng hindi mabuti sa kapya tao, katulad nalang ng pagpatay ng walang awa sa kapwa. 2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? Naka sulat sa tula na isang butiki ang pinapaslang, kung ihahalintulad mo ito sa kapwa tao ang pag paslang ng isang hayop ay para ka ring pumaslang ng kapwa sapagkat tayong lahat ay may karapatan upang mabuhay sa mundo mapa tao man hayop at kahit na anu mang may buhay. 3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtod? Ayin sa aking pagka intindi, ipinapahiwatig ng huling taludtod na hindi lamang iisang tao ang may kakayahan upang pumaslang, at maraming tao ang nag bubulagbulagan sa maling ginagawa ng kapwa tao marahil sila ay may takot na mag sumbong. 4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila? Iniaalay ang tulang ito para sa mga taong walang awang pumapaslang ng kapwa, mga taong maka sarili at walang takot sa Diyos nasisikmurang pumaslang ng kapwa kahit na ito ay hindi mabuti. At para sa mga taong nangangailangan ng hustisya at masugpo ang gawain ng mga taong ito. MUNGKAHING GAWAIN! 1. Magsaliksik tungkol sa particular na kaso ng pagpaslang sa panahon sa kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik. Kaso ng rarumaldumal na pagpatay sa isang dalaga sa Binan, Laguna Manila, Philippines – Matapos mag-trending sa social media ang post ng isang ama na kinilalang si Fidel Sanchez na humihingi ng tulong sa Philippine National Police partikular kay PNP Chief Ronald Dela Rosa at kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa karumaldumal na pagkamatay ng kanyang 20 anyos na dalagang anak sa Binan, Laguna, personal na kinumusta ni Dela Rosa ang kaso nito sa Hall of Justice ng Binan, Laguna. dahil nakuha sa kapatid nito ang cellphone ng biktima na nawala noong nangyari ang krimen. Matatandaang March 2, 2018 nang maabutang tadtad ng saksak sa kanilang bahay ang biktimang si Kimberly Sanchez. Ayon kay PNP Chief, na batay sa inisiyal na imbestigasyon, nag-away ang suspek at biktima dahil lamang sa motorsiklo na nauwi pananaksak. Repleksyong Papel: Ito ay karumadumal na pag-patay ng isang dalaga tadtad ng saksak, hindi ko lubos maintindihan kong bakit nagagawa ito ng mga taong walang awang pumapaslang ng kapwa. Nararapat lamang na masampahan ng kaso ang mga tong ganito upang mabigyang disiplina, lahat tayo ay may karapatan upang mabuhay sa mundo at lahat tayo ay nag hahangad ng pamumuhay ng payapayapa at tahimik. Ang babaeng walang awang pinatay ay nawalan na ng buhay ng dahil sa kagagawan ng mga taong walang pagmamahal at pakiramdam sa kapwa, iniisip lamang ang sariling kapakanan at kahit pa itoy maka sakit ng kapwa. 4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa ibat-ibang isyu tungkol sa karapatang pantao. IGALANG ANG KARAPATANG PANTAO Bilang isang mamamayan Pilipino, Tungkulin ko ang maging tapat at totoo, Hindi man plakado, Ngunit lahat ay gagawin hanggat sa abot ng aking makakaya. Sa simpleng pagsunod ng batas, Sa simpleng pagturing sa bansa na parang isang hiyas, Maipakikita ko ang katas ng isang dugong Pilipino, Na ang hangarin ay mapabuti ay mapabuti ang buhay ng bawat tao. Karapatan kong maglaganap ng respeto nyo, Karapatan kong malulong sa buhay na meron ako Dahil ito’y kaniyang binigay Kaya’t di ko kayo hahayaang ilibing ako sa sarili kong hukay. Ganon pa man, itong aking karapata’y madali ko lang makakamtan Kung susunod lamang sa nag-iisang kanlungan Ng pagiging isang tunay na makabayan, Iyong ay ang paggampan nang maayos sa aking katungkulan bilang isang mamamayan. 5. Mapahalagahan ang dinamikong uganyan ng panlipunang realidad at ng panitikan. ang pagpapahalaga sa pag ... Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng panitikan.Masuri ang pagsasakatuparan ng halaga ng Panitikan sa mga kasalukuyang .dahil minana pa natin ito sa ating mga ninuno at sumasalamin ito sa ating pagkapilipino. malinaw na pinapakita dito ang ating kultura, tradisyon at mithiin bilang isang bansa. dahil dito dapat dapat na maisabuhay muli ang mga karunungang-bayan upang malipat ito sa pang-arawaraw nating pamumuhay

Comments

Popular posts from this blog

BLOG NO. 2 ISKWATER NI LUIS G. ASUNCION

BLOG NO. 1 Isang Dipang Langit